Webnovel

Share

A Memory In Your Heart

A Memory In Your Heart

cristaengoo

Teenager

Read

Synopsis

"A Memory in your Heart" is a story of two people that tackles their life right after an accident that took away the memories of their past. They are once part of each other's life but in an instant, they turned strangers in each other's eyes without knowing that they fell in love in each other back then. Ang aksidenteng 'yon ang naging dahilan upang hindi nila matandaan ang isa't isa, walong taon na ang lumipas. A circumstance will bring them back into each other's path once again, at ito na ang magiging simula upang muli nilang makilala ang isa't isa matapos ang maraming taon na nawala sa kanilang dalawa. Even if their minds forgot the love that they have for each other, their hearts will bring them together once again to remind them of a memory that should either be forgotten, or should be treasured as it becomes part of their own live now.

Top Reviews

Chapter 1: Prologue

"Clyde! Wait! Saan ba tayo pupunta?"

"Heto na, malapit na! Hurry up, let's go!"

Halos kanina pa kumakabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa pinaghalo-halong excitement, kilig, saya, at isang unknown feeling na kagabi pa gumagambala sa 'kin. Hawak ni Clyde ang kamay ko, that's why I feel safe for the mean time though I knew there's really something wrong.

Hinihingal kaming huminto ni Clyde sa isang garden na napapalibutan ng mga fairy lights at mga bulaklak gaya ng roses at gumamela. I smiled by myself knowing that he really put a lot of effort just to prepare all of this.

"Hey," he whispered and reached for my hand.

Pabiro ko siyang pinalo sa braso. "Kaya naman pala after ng general cleaning kanina, nagmamadali ka. Ito pala 'yon," hindi ko na napigilan ang mga luha ko dahil mabilis na silang nag-unahan sa pag-agos.

"Sshh," he wiped my tears away. "I don't wanna see you cry, you know it breaks my heart." He held my chin to meet my gaze. "Maliit na bagay lang 'to kumpara sa mga ginagawa mo sa 'kin sa school.. sa pag-support mo sa 'kin. 'Wag ka nang umiyak, baka akalain ng mga pagkain, mags-stress eating ka. Sige ka hindi sasarap yung mga kakainin mo."

Umurong ata yung luha ko dahil sa sinabi niya kaya natawa ako. Ngumiti rin siya sa akin kaya nawala na naman yung mga mata niya kaya lalo akong napangiti. He really knows how to make me smile, and I love it. I'll forever love it.

He reached for my hand as we walk while I'm admiring the beauty of this garden. Kailan pa niya nalaman ang lugar na 'to? Almost one year na rin kaming in a relationship, pero never siyang nag-fail na dalhin ako sa mga lugar na alam niyang ikasasaya ko.

Nag-bonding kaming dalawa habang nagp-picnic sa gitna ng garden. We also took a lot of pictures as remembrance. Ready rin siyang maging photographer ko kaya ang dami kong naging picture sa phone niya, and vice-versa. Walang ibang taong umistorbo sa 'min for almost one hour hanggang sa may nag-approach sa amin dahil isasara na nila ang garden sa mga bumibisita since quarter to 8 pm na rin.

Magkahawak-kamay kaming lumabas ng garden. Pati sa pathway papunta sa parking lot, may mga bulaklak din kaming nadadaanan kaya humihinto kami para mag-picture pa ulit. I was about to take one last photo of him using my phone nang biglang mag-ring ito at ipakita ang caller ID ni Seth.

"Clyde, tumatawag si Seth sa 'kin. I'll just answer it," I swiped the answer button pero iyak lang ang narinig ko. Napatingin ako kay Clyde na bumakas bigla sa mga mata ang pag-aalala. I set the call on speaker mode para marinig din niya ang nangyayari sa kabilang linya.

"Seth? Hello? Ano'ng nangyayari?" Tanong ko habang nakatingin kay Clyde.

"Sky! Skyllar, n-nasaan si Clyde?!" Halos maramdaman din namin ni Clyde ang panginginig ng boses ni Seth mula sa kabilang linya. Nagsimula na akong kabahan kaya inagaw na ni Clyde sa akin ang phone ko.

"Seth? Seth? Where the hell are you?! Seth!" Sigaw ni Clyde habang hawak ang kamay ko.

It was so usual for us, mostly for me, na tumawag si Seth. Hindi naman kasi niya ako kino-contact unless si Clyde ang namilit para makausap ako. At ngayong tumawag siya, lalong nadagdagan yung takot na kagabi ko pa nararamdaman. Ito na ba 'yon? I can't breathe properly because of this fear that's creeping me out on my nerves again.

"Clyde—Clyde, h-help.." I heard Seth said over the phone. It looks like he's running and panting at the same time.

"Where the hell are you?! Bakit kay Sky ka tumawag?! Ano ba ang nangyari?!" There's a hint of nervousness, fear and anger on Clyde's voice.

"S-Si Lory.." hinihingal na usal ni Seth. "Sh-She accused me o-of.."

"Of what?!" Clyde asked again, but this time, mas mahihimigan ang takot sa boses niya.

"Sh-She said that I.. I.." we heard his loud sobbing kaya nagkatinginan kaming muli ni Clyde. "Clyde, I swear, wala akong ginawa! She did all of this because of you!"

Lumuwag ang hawak ni Clyde sa kamay ko dahil sa gulat. Maging ako, para akong nanlambot bigla. Ano na naman ang ginawa ni Lory? Knowing her, hindi siya titigil sa hangga't hindi niya kami napaghihiwalay ni Clyde. She really wanted me out of the picture. And for that to happen, she's ready to do such ridiculous things like this one.

"N-Nasaan ka? Pupuntahan kita—"

"Sasama ako," pigil ko kay Clyde nang kuhanin niya ang susi ng sasakyan niya. "I'll go with you."

Wala na siyang nagawa nang umikot ako papuntang shotgun seat at umupo roon. He just drove out of that place while he's talking to Seth over my phone. Narinig naming nag-ring ang phone niya kaya ako na ang kumuha no'n.

I was a bit hesitant when I saw Lorilei's caller ID on the screen. Binalingan ko pa ng tingin si Clyde saka ko sinagot ang tawag.

"Lory! What happened—"

"What the—?! You're with him?!" A hint of shock and anger was evident in her voice. "Why are you with him?!"

"What do you mean?! Kausap namin si Seth and he says something about you—!"

"No! No, no, no, this is not the plan!" Sigaw niya sa kabilang linya kaya inilayo ko sa 'kin ang phone ni Clyde. "You're not supposed to be with him! You're supposed to be with Seth!"

"What the fuck are you saying, Lory?!" Galit na tanong ni Clyde nang agawin niya sa 'kin ang phone niya. "Ano ba ang nangyayari?! Ano na naman 'to?!"

"Why are you with her?!" She screamed over the phone again. Halatang hindi niya ine-expext na magkasama kami ni Clyde sa mga oras na 'to.

She's up to something again. But I can sense na this time, mas malala ang mangyayari. I can't bear to—wait. It's raining!

Hindi maayos ang pagd-drive ni Clyde kapag ganitong umuulan!

"Shit, bakit ngayon pa?!" Binitiwan niya ang phone niya para hanapin kung saan niya pwedeng i-on ang windshield wiper ng sasakyan.

I was afraid that he might lose his eyes on the road, at hindi nga ako nagkamali.

"Clyde! Yung truck!" My eyes widened when the truck almost hit us pero agad na lumiko si Clyde, dahilan para magdire-diretso ang sasakyan at bumangga sa isang malaking puno.

Malakas na ingay ang narinig ko at maging ang ulo ko ay naramdaman kong humampas sa window frame seat ng sasakyan. Hinawakan ko pa ito saka ako nakaramdam ng unti-unting pagkahilo, until my eyes went dark and I began to lose my consciousness.

When I woke up, it was quite weird because I had nothing to remember. Literally. Wala akong maalala kung bakit ako nandito sa loob ng kuwarto kasama ang mga taong wala akong idea kung sino. Blurry pa ang paningin ko pero naaaninag ko ang mga taong nakatingin sa akin ngayon.

Sino ba sila? Bakit sila nandito? Bakit nila ako tinitingnan?

T-Teka sandali. S-Sino rin ba a-ako? Bakit ako nandito kasama sila? A-Ano'ng ginagawa ko rito?

I'm totally out of my mind. Naf-frustrate ako. Bakit wala akong naaalala?! Sino sila? Sino 'tong mga taong 'to?! Bakit ako nandito?!

Litong-lito ako sa nangyayari sa paligid ko. I was unable to talk for almost three days kahit na sinabi na no'ng babaeng nakaputi palagi na umaayos na ang pakiramdam ko. Wala akong idea kung bakit lagi siyang nandito sa lugar kung nasaan ako. May gagawin ba siyang masama sa akin? Kasabwat ba niya itong mga tao na laging nakabantay sa 'kin?

Walang ibang tumatakbo sa isip ko noong mga nakaraang araw matapos kong magising. Puro mga tanong na walang kasagutan. Hindi ko kinakausap ang mga taong nasa paligid ko sa takot na baka anuhin nila ako.

Who.. am I? What am I doing here? Why am I here? Where am I? Sino ang nagdala sa akin dito? Bakit wala akong maalala?!

"Skyllar.." a lady with a shoulder-length hair approached me, handling a tray of food. "Kumain ka muna, puro tubig ang iniinom mo."

I just looked at her with no emotions at all. I wanted to ask her who I am. She seems kind and trustworthy. Baka sa kaniya ko malalaman ang sagot na gusto kong marinig.

"S-Sino k-ka?" Ramdam ko sa boses ko ang panghihina.

"Sky, ako 'to, si Eunyce. Eunycelle Cruz, your best friend." She gave me a smile but she looked sad.

Best friend, huh. What does that even mean?

"S-Sino a-ako? B-Bakit ako n-nandito?" Tinuro ko ang sarili ko habang inililibot ko ang paningin ko sa loob ng kuwarto kung nasaan ako.

"Ikaw si Skyllar, ang best friend ko. Nandito ka kasi naaksidente ka six months ago. It was just a week after you regain your consciousness for the third time." Nakita kong paiyak na siya pero nakangiti pa rin siya.

Lumingon kaming pareho sa pinto noong bumukas ito. Pumasok ang isang lalaki na mukhang hindi nalalayo sa edad namin, saka ko nakitang sinenyasan niya yung Eunycelle na lumabas.

I was just looking at him until he replaced Eunycelle by my side. He held my hand and looked at me intently. Nagtatanong ang mga tingin niya kaya unti-unti kong inilayo ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya.

"S-Sino ka?" Ramdam ko sa boses ko ang takot at kaba habang nakatingin sa lalaki.

He gave me a small smile before he handed me two things. Mukha silang device pero hindi ko alam kung ano 'yon. "Ako 'to, Ate.. si Rain, your one and only brother." He let out a heavy sigh but I remained my eyes on him, still not moving.

"A-Ate? R-Rain?" I was so confused pero binalingan ko pa rin ng atensyon ang hawak niya. "A-Ano 'y-'yan?"

"Ate, promise me na makakaalala ka agad. Maaalala mo ako, kaming mga tao sa paligid mo. Nandito sa mga cellphone na 'to ang mga alaala mo. Pero itago mo muna 'to, dahil hindi gusto nina Mama na makuha mo ulit 'to. Trust me, Ate. Ako lang ang mapagkakatiwalaan mo sa mga 'to." He handed me those cellphones and held my hand again.

Na-focus sa mga phone na 'yon ang paningin ko. Alaala? Nandito ang mga 'yon? Paano nangyari 'yon?

Nakarinig kami ng footsteps malapit sa pinto kaya kahit na may sasabihin pa siya ay inagaw niya ulit sa akin yung mga cellphones at siya ang nagtago. Pinagmasdan naming pumasok yung Eunycelle, kasama ang isang matandang lalaki at babae. I had no idea who they are.

Mabilis ang mga naging pangyayari matapos no'n. Inuwi nila ako sa bahay namin at halos si Rain lang ang nakakausap ko dahil hindi naman parating nandoon si Eunyce. After almost two months, nabawi ko na ulit ang lakas ko at mabilis na ang naging recover ko for the next few months.

Nakakalungkot lang, dahil kahit unti-unti nang bumabalik ang buhay ko sa dati, wala pa rin akong naaalala. Parating parang may kulang sa bawat araw ko. I always hope and pray na sana.. sana balang araw, mapunuan na yung kulang sa puso ko.

I really wish memories that I lost will soon come back for me to complete myself again.