Webnovel

Share

Operation: Taming the Bad Girl!

Operation: Taming the Bad Girl!

DarkLeague

Teen

Read

Synopsis

May kilala ba kayong tao na konting galaw, napapamura?
Tipong, konting kilos lang, napapasabi na ng "Tangina!"
Tipong natutuwa lang pero kung makamura, daig pa may kaaway siya?
Siguro naman lahat tayo may kilalang ganyan, 'di ba? At madalas nga, babae pa.

Siya 'yung tipong masarap at nakakatuwang kasama. Lagi kasi siyang game sa kahit anong trip ng tropa. Tipong kahit ayain mo ng inuman, ikaw pa susuko sa kanya.
One of the boys, ika nga.
Kilos lalaki, astang lalaki, minsan nga naiisip ko mas lalaki pa siya sa akin pero, ayon sa nabasa ko sa Psychology, lahat daw tayo may girl and boy side. Ito daw 'yung animus (musculine) side ng babae at anima (feminine) side ng lalaki.
At siya? Ayun at mas nanaig ata ang animus kaya ganun siya.

Pero magkaganoon man, alam ko na deep inside, kaya ko pang pangibabawin ang feminine side niya. Alam kong idinadaan niya lang sa mga asal kanto at ugaling tambay pero... deep inside, babae pa rin siya.

Kaya naman sisimulan ko ang planong pagbaguhin siya at tatawagin itong,
"Operation: Taming the Bad Girl!"

Top Reviews

Chapter 1: Simula - The Bet

"Oy, MJ! Dare daw, o! Contest sa inuman!" napalingon ako sa sumigaw na 'yon. Si Fred, isa sa mga kaklase at katropa ko.

"Hahaha! Tangina n'yo! Ayan na naman kayo sa mga hamon niyo, e! mamaya, di pa man nangangalahati ang bote, tumba na kayo!" halakhak naman ng hinahamon nila na si MJ.

"Di na, tsong! Nag-improve na kami! O ano? Game ka?"

Nakangiting napapailing naman si MJ sa kanila. "Sige ba! Ang matatalo manlilibre ng lunch ng isang linggo ah!" ani MJ saka tumayo at inikot ang sombrero niya patalikod. Lumakad siya patungo sa kinauupuan nina Fred at ng iba pang humamon sa kanya. Alam kong katuwaan lang 'to pero di ko maiwasang mangunot ang noo sa kanila.

"O, game na, ah. Wala nang atrasan 'to," ani MJ at saka sinimulan ang tagayan.

"Grabe talaga 'yan si MJ, 'no? Kala mo lalaki kung uminom, e. Daig pa ako!" bulalas ni Kid na nakaupo sa tabi ko at pinapanood din pala ang kalokohan nung mga nag-iinuman.

"Ewan ko nga ba d'yan sa babaeng 'yan. Kung kumain, kala mo construction worker, kung manuntok, kala mo boksingero, kung uminom, daig pa tambay sa kanto!" dagdag pa ni Ken, na ikinatawa ko. Napapailing nalang ako habang patuloy na pinapanuod yung limang nag-iinuman. Kaisa isang babae, siya pang pinakamalakas uminom.

"Makatagpo lang talaga ng katapat 'yang si MJ, na'ko! Pupurihin ko 'yung lalaking makakapagpatino d'yan!" halakhak ni Kid.

"Tangina! May magkagusto kaya d'yan, e daig pa lalaki!" segunda naman ni Ken saka sila nagtawanang dalawa.

Umiling nalang ako at napapangiti sa mga pinagsasasabi nila. Tinungga ko 'yung juice na nasa baso ko bago ko binalingan 'yung dalawa. "Hayaan niyong daanin ko sa romansa, babait din 'yan," ngisi ko sa kanilang dalawa.

Nagkatinginan naman silang dalawa bago ngumisi na parang tanga. "Tangina mo, pre! May HD ka kay MJ?" bulalas ni Ken.

Humagalpak naman ng tawa si Kid bago nagsalita. "Gago ka! good luck sayo kung makalapit ka d'yan!" aniya saka muling nagtawanan 'yung dalawa.

Napailing nalang ako at muling ibinalik ang tingin sa mga nag-iinuman. Mukhang nakaubos na sila ng limang bote ng Red Horse at ayon sa nakikita ko, tumba 'yung apat na ugok. Habang si MJ, ayun, tawa lang nang tawa.

"Hahaha! Pa'no ba 'yan! Panalo pa rin ako! Ililibre niyo ako ng lunch, ah! Tangina! Lalakas manghamon, mga weak naman!" aniya at tumawa ng tumawa.

Habang pinagmamasdan ko siya, alam ko sa sarili kong mahirap 'tong plano ko pero, walang mahirap kung matiyaga kang tao. Mahirap magpaamo ng isang tigre, leon, at oso pero, kung paglalaanan mo ng puso at panahon, alam kong magagawa ko.

Lumingon akong muli kina Kid at Ken na panay pa rin ang tawa. Humawak ako sa magkabilang balikat nila at ngumisi. "Watch me, I'll show you how to tame a bad girl."

Nagtinginan silang dalawa bago tumango tango sa akin. "Deal!" sabay na sabi nila.

Watch out, MJ. Sooner or later babaguhin kita. And I'll make sure that you'll be the coolest girl this guys know. And of course, the coolest yet weirdest girlfriend a guy could wish for.